Arestado ng Isang 44-anyos na security guard sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Delcano Street, Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City.

Kinilala ang suspek na si Jack Navidad Talagtag a.k.a. “Jack,” residente ng Purok Pascual, Mother Barangay Rosary Heights, Cotabato City.

Nahuli siya matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap bilang buyer sa halagang Php 500.00, na may timbang na tinatayang 0.08 gramo at may Standard Drug Price na Php 544.00.

Pinangunahan ng PS2-CCPO SDET sa ilalim ni PMAJ Teofisto R. Ferrer Jr., kasama ang CPDEU-CCPO at PDEA Maguindanao PO, ang operasyon. Narekober din sa suspek ang marked money na isang Php 500.00 bill.

Samantala, ang mga nakuhang ebidensya ay dadalhin sa RFU-BARMM para sa laboratory examination.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Talagtag.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad, at inaasahang maglalabas pa ng karagdagang ulat kaugnay sa kaso.