Sugatan ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Purok Emba, Barangay Rosary Heights 7, Cotabato City, bandang ala-1 ng madaling araw nitong Disyembre 18.

Ayon sa imbestigasyon, si alyas Fah, 25 anyos, single at nagtatrabaho bilang Townace driver, ay pauwi nang bigla siyang pagtutukan at pagbabarilin ng suspek na si Alyas Toks, isang lalaki rin mula sa parehong lugar.

Tinamaan si alyas Fah, sa kanang balikat, kanang dibdib, at kanang itaas na hita. Agad siyang dinala sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) para sa agarang lunas.

Ayon sa ulat ng pulisya, naniniwala silang may kinalaman sa droga ang motibo sa krimen.

Nakarekober ang RFU-BAR ng labing-apat (14) fired cartridge cases mula sa isang caliber .40 pistol-type firearm sa crime scene.

Patuloy ang imbestigasyon habang hinahanap ang suspek na kasalukuyang at-large.