Naaresto ang isang suspek sa droga sa isinagawang search warrant operation sa Barangay Ilomavis, Kidapawan City, bandang madaling araw ng Enero 27, 2026.
Dakong alas-12:09 ng madaling araw, isinagawa ang search warrant laban kay alias “Kad,” 33 taong gulang, may asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay Ilomavis, dahil sa paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165. Sa operasyon, nasamsam ang anim (6) na heat-sealed transparent plastic sachets ng tinatayang 8.63 gramo ng shabu, na may halagang tinatayang ₱58,684.00 sa street value.
Ang suspek ay naipaalam sa kanyang karapatan at dahilan ng kanyang pag-aresto sa wikang naiintindihan niya. Ang mga nakumpiskang droga ay agad na minarkahan sa lugar ng operasyon sa harap ng suspek, media, at barangay official ng Ilomavis. Ang mga ebidensya ay isusumite sa North Cotabato Provincial Forensic Unit para sa pagsusuri, habang ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Kidapawan CPS, naghihintay ng pormal na kaso sa City Prosecutor.
Pinapurihan ni PBGen Arnold P. Ardiente, Regional Director ng PRO 12, ang mga operating units at katuwang na ahensya sa matagumpay na operasyon, at binigyang-diin ang patuloy na kampanya ng pulisya laban sa iligal na droga habang iginagalang ang karapatan ng bawat indibidwal.

















