May sapat na imbak ng Family Foodpacks o FFP ang DSWD 12 para sa mga lugar sa rehiyon na apektado ng kalamidad gaya na lang ng dumaan na si Bagyong Kristine.
Sa katunayan may higit 33,000 na FFP ang nakapreposition sa mga strategic LGU’s sa rehiyon ayon sa ahensya maliban pa sa 40,000 na FFP na nakaimbak sa kanilang warehouse.
Iniutos na rin ng hepe ng DSWD sa rehiyon na si Ginoong Loreto Cabaya Jr. sa mga personahe nito na imonitor ang mga lugar na apektado at makipagugnayan agad sa mga LGU nito para makapaghatid agad ng pangangailangan ng mga taong apektado ng kalamidad.
Iginiit din nito na naka full alert ang ahensya kasama ang mga katuwang nitong ahensya at stakeholders upang tumugon sa tawag ng pangangailangan sa oras ng kalamidad para walang maiwanang naapektuhan sa oras ng sakuna.