Pormal nang inilulunsad ng Number One and Most Trusted Radio Network In The Country, BOMBO RADYO PHILIPPINES ang isang araw ng pinakamadugo na blood letting activity sa buong bansa.
Ito ang Dugong Bombo: A Little Pain a Life To Gain sa darating na November 16, 2024.
Ang Dugong Bombo ay taunang proyekto ng ating network katuwang ang Bombo Radyo Philippines Foundation at ang Philippine Red Cross.
Tinaguriang bloodiest ONE day blood donation program, ito ay nagkamit na ng maraming parangal mula sa Philippine Red Cross dahil sa di nito matatawarang kalidad at husay bilang Corporate Social Responsibility ng network at ito rin ang sumisira sa sarili nitong records pagdating sa drum drum na dugong nalilikom sa buong pilipinas.
Ang relaunch ng Dugong Bombo 2024 ay kasabay din ng 58th Founding Anniversary ng Bombo Radyo Philippines, layunin ng nasabing proyekto na maipakalat ang kahalagahan ng pagbibigay ng dugo at pagsagip sa buhay.
Sa ganito kasing uri ng panahon sa ating bansa ayon sa Philippine Red Cross, laganap na ang mga sakit na nangangailangan ng blood transfusion kagaya ng Dengue, pagkaaksidente, panganganak at marami pang iba at ito rin ang problema ng PRC at ito ay kakulangan ng nakaimbak na dugo sa kanilang blood banks.
Dahil dito, ang iyong dugo ay makakapagsalba ng maraming buhay at makakatulong pa sa nangangailangan nito bukod pa sa ito ay nakakapagpatibay ng pagkakaibigan, samahan at mga organisasyon na sama samang nagtutulungan at nagkakaisa sa pagtulong sa nangangailangan.
Kaya ano pa ang hinihintay, sama sama tayo at ihanda ang inyong mga sarili sa darating na November 16, 2024, Araw ng Sabado. Maging bayani. Maging DUGONG BOMBO. A little pain… A life to gain!