Arestado ang isang lalaking dumayo di para makipista o sa anupaman ngunit para maging tulak ng iligal na droga sa bahagi ng mga kalye Doroteo at Rajah Tabunaway sa Poblacion 6 nitong lungsod.

Kinilala ni Cotabato City PNP Director Joel Estaris ang tulak ba si Hessam Ali alyas Oting, 24 at may asawa na residente ng Barangay Bulalo, Sultan Kudarat Town sa Maguindanao Norte.

Undercover agent ng CCPO Station 1 ang napagbentahan ng suspek ng isang plastic sachet na naglalaman ng suspetsadong shabu na may .09 gramo at may halagang 612 pesos.

Walang imik ang suspek ng tanungin ito kung bakit ito nagtutulak.

Dinala na ngayon ang suspek sa Station 1 Jail Facility at mahaharap siya sa paglabag ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.