Hindi na nakapalag pa ng mahuli sa drug buybust operation ng mga operatiba ng PNP Drug Enforcement Unit ang isang tulak kahapon sa bahagi ng Purok Lushin Kan 2, Poblacion 1 sa lungsod.

Kinilala ni PDEU Chief PLTCOL Harry Boglosa ang tulak sa alyas na ODS, nasa hustong gulang, may kabiyak at laborer na residente sa nasabing barangay. Nakuha sa pagiingat ni Ods ang apat na pakete na naglalaman ng suspetsadong shabu na nagtitimbang ng 7 gramo at nagkakahalaga ng 47,000.

Matagal na umanong minamanmanan ng mga operatiba ang kilos ng suspek at ilang araw na din itong isinailalim sa test buy at positibo ito na sangkot sa iligal na kalakaran sa lungsod.

High Value Target din na maitururing ang suspek dahil sa malalaking halaga na natatransaksyon nito sa lungsod.

Dahil dito, kulong ang nasabing si Ods at haharapin nito ang kaso na may kinalaman sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.