Pinabulaanan ng Malacañang ang mga pahayag na ikinukumpara si dating Pangulong Rodrigo Duterte kay yumaong Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, walang batayan ang mga alegasyon ng banta sa buhay ni Duterte.
Ito ay kasunod ng pahayag na sinabihan umano ni Bise Presidente Sara Duterte ang kanyang ama na maaaring kahantungan nito ang sinapit ni Ninoy Aquino—ang mapaslang sa pagbabalik sa Manila matapos ang panahong nasa exile.
Sa kasalukuyan, si dating Pangulong Duterte ay nasa kustodiya umano ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Nilinaw ni Castro na walang katotohanan ang mga ulat ng banta sa buhay ng dating pangulo, at ipinagtaka kung saan nagmula ang naturang impormasyon.
Dagdag pa ni Castro, hindi dapat ihambing si Duterte kay yumaong Senador Aquino dahil wala silang pagkakapareho, lalo na sa mga isyung kinahaharap.
Aniya, si Ninoy Aquino ay walang rekord ng mass murder o anumang krimen laban sa sangkatauhan.
Dagdag pa niya, mismong si Duterte ang minsang ikinumpara ang sarili sa yumaong diktador na si Adolf Hitler, dahil sa pagpatay ng milyong milyong Hudyo.