Muling binatikos ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang proclamation rally ng PDP-Laban nitong Huwebes.

Sa kanyang talumpati, diretsahang sinabi ni Duterte na tila wala umanong malinaw na solusyon ang kasalukuyang administrasyon sa mga problema ng bansa.

“Hindi naman buang, pero yung bisyo ng droga, long term ‘yan. Maging ul*l si Marcos—constant use of heroin, aabot pa siguro siya ng 80 at pagdating sa panahon na ‘yan, hindi na siya gumagalaw,” pahayag ni Duterte.

Ang matapang na pahayag ng dating Pangulo ay patuloy na nagpapainit sa tensyon sa pagitan ng kampo ng Duterte at ng administrasyong Marcos.

Matatandaang ilang beses nang nagpalitan ng maaanghang na salita ang dalawang kampo, lalo na kaugnay ng usapin ng illegal na droga at pamamahala sa bansa.

Samantala, hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang Malacañang kaugnay ng bagong patutsada ni Duterte laban kay Pangulong Marcos Jr.