Dahil sa lingguhang pagaray ng mga kunsumidor sa pagtaas ng presyo ng gasolina, ipinakita sa publiko ng Aboitiz Power ang isang electric car na maaring maging alternatibo sa regular na sasakyan.
Pinasubok ng Aboitiz Power ang isang BYD T3 Electric Minivan na ginagamit ng kumpanya bilang utility vehicle.
Auto Transmission at may 134 horse power ang nasabing E Car at tinataya na sa 250 kilometro ang kayang itakbo ng nasabing sasakyan at may kapasidad ng baterya na 50-70 kw/h. 6-8 oras din ang AC Charge ng nasabing e car at 37 minutes naman kung DC Chargong.
Sa kabila nito, patuloy naman na tinetesting ang kakayanan ng naturang kotse na dekuryente.
Labis naman na isinusulong ng Aboitiz Power sa tulong ng MENRE-BARMM ang pagsusulong sa malinis na enerhiya dahil sa problema sa polusyon sa hangin.
Dahil dito pag lumaki ang demand ng nasabing E-CAR sa publiko, plano ng Aboitiz Power na magtayo ng charging stations sa lungsod at mga kalapit bayan upang makatulong sa fuel conservation.