Magdudulot ng pag-ulan at thunderstorms sa ilang bahagi ng Mindanao ang Easterlies, ayon sa ulat ng PAGASA.

Asahan ang maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ). Nagbabala ang ahensya na may posibilidad ng flash floods at landslides lalo na sa mga lugar na makakaranas ng katamtaman hanggang paminsang malakas na pag-ulan.

Samantala, ang ibang bahagi ng BARMM ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dulot ng Easterlies.

Pinapayuhan ang publiko na maging maingat, lalo na sa mga lugar na madaling tamaan ng baha o landslide kapag bumuhos ang malakas na ulan.