Patuloy na nakakaapekto ang umiiral na easterlies o mainit na hanging nagmumula sa Karagatang Pasipiko sa ilang bahagi ng Mindanao, partikular sa BARMM Region.
Ayon sa forecast, makararanas ang rehiyon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.
Nagbabala naman ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa panahon ng malakas na pag-ulan.
Samantala, kahit may mga pag-ulan, inaasahan pa rin ang matinding init sa BARMM, lalo na sa Cotabato City kung saan maaaring umabot sa 41°C ang temperatura ngayong araw.
Dahil dito, mananatiling mataas ang heat index o ang nararamdamang init ng panahon, kaya pinapayuhan ang publiko na umiwas sa matinding sikat ng araw, uminom ng sapat na tubig, at limitahan ang outdoor activities lalo na sa tanghali.

















