Nakaaapekto ngayon ang Easterlies o ang mainit na hanging nagmumula sa Karagatang Pasipiko sa malaking bahagi ng Mindanao, ayon sa ulat ng PAGASA.
Sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), inaasahang makakaranas ng bahagyang maulap na kalangitan na may paminsan-minsang pag-ulan o pagkidlat at pagkulog na dulot ng Easterlies.
Nagbabala rin ang mga kinauukulan sa posibilidad ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga lugar na makararanas ng malalakas na thunderstorm.
Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at makinig sa mga susunod na abiso mula sa lokal na pamahalaan at weather authorities.
SOURCE: Pagasa Cotabato Station

















