Effective, inclusive and equal healthcare for all BARMM constitutents..
Ito ang magiging pagtitiyak ng Ministry of Health B kasunod ng First 100 days report of accomplishment ni MOH Minister Dr. Kadil “Jojo” Sinoliding Jr.
Sa ulat nito, inilatag nito ang kanyang mga napagtagumpayan kabilang na ang administrative restructuring, health workforce augmentstion, pinalawak na tulong medikal, pinahusay na imprastaktura pang kalusugan ng mga ospital, RHU’s, BHS’s na may kabuuang 1.8 bilyong piso, at ang pinalakas na tulungan ng pamahalaan at NGO’s.
Matatandaan na noong Mayo 6 taong kasalukuyan ng manungkulan si Minister of Health Sinoliding at nangako ito na ipagpapatuloy at palalakason ang mga nasimulang programa at plano nito upang mas mapadali ang access to quality healthcare.
Sinabi din ni Sinoliding na kung mabibigyan sya ng pagkakataong makausap si Pangulong BBM ay hihiling ito ng tatlong bagay at ito ay malinis na tubig para sa Bangsamoro Region, pagkakaroon ng palikuran para sa lahat at palakasin at pagtibayin ang suporta para sa nutrisyon dahil ang BARMM ang mayroong pinakamataas na bilang ng malnutrisyon sa bansa.
Labis naman ang pagpapasalamat ni Sinoliding kay BARMM CM Ahod Ebrahim sa tiwala at kumpiyansa nito na ipinagkaloob sa kanya upang mamuno sa MOH.
Ayon pa at sa pagdidiin ng ministro sa kalusuhan, walang maiiwan at walang hindi malulunasan sa kanyang panunungkulan bilang Minister of Health.