“Hindi naorganisa at questionable.”.

Ito ang sinabi ni Cotabato City Councilor Gabby Usman ng matanong hinggil sa eligibility o pagkakatalaga sa mga personahe ng Quick Response Team sa lungsod.

Hinahanapan din ng konsehal ang mga ito ng mga dokumento na magpapatotoo na sila ay maaring maitalaga sa tungkulin kagaya ng police at NBI clearances at iba pa.

Ayon kay Usman, otomatic na ang paghahanap ng mga ganitong uri ng dokumento ng Sanggunian upang matignan ang eligibility o ang pagkakatalaga dito.

Hindi naman sa inaayawan din ng konseho ang pagsisilbi ng mga nasa QRT ngunit ito ay isang uri ng pagtitiyak upang makasiguro din ang lungsod na nagtatrabaho ang mga ito alinsunod sa kanilang tinanggap na tungkulin.