Itinalaga ang Enero 16, 2026 bilang special working holiday sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa paggunita ng Isra wal Mi‘raj.
Ayon sa Bangsamoro Holidays Act of 2023 (Section 5[c]), kabilang ang Isra wal Mi‘raj sa mga pista opisyal na kinikilala bilang special working holiday sa rehiyon.
Dagdag pa rito, alinsunod sa Office of the Chief Minister (OCM) Proclamation No. 0003, s. 2025, ipinatupad na ang nasabing araw ay obserbahan ng buong BARMM bilang special working holiday.
















