Nasawi ang isang Traffic Enforcer o TMU Member sa bayan ng Magpet in line of duty matapos itong maaksidente habang hinahabol ang isang pasaway na traffic violator sa Crossing Matas, Poblacion sa bayan ng Magpet.

Kinilala ang TMU member na si Edmar Balbuena y Tecson, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Poblacion. Batay sa pulisya, sinubukang harangin ng TMU Member na si Balbuena ang traffic violator na nagpipickup ng pasahero sa di designadong lugar pero tumakas ito dahilan para habulin nya ito.

Habang hinahabol, nasagi nito ang motorsiklo ng suspek dahilan upang maaksidente ito at magtamo ng sugat sa ulo na sanhi ng kamatayan nito.

Nakilala naman kinalaunan ng PNP sa imbestigasyon nito ang violator at suspek na si Albert Robles y Manay, nasa hustong gulang at taga Barangay Manobo sa nasabing bayan.