Itinalaga ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim ang tagapagsalita ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP na si Engineer Mohajirin Ali bilang bagong Assistant Senior Minister ng gobyernong Bangsamoro.

Inilabas ng Office of the Chief Minister ang naturang dokumento na OCM Special Order Number 44 at epektibo ang nasabing paghirang kay Ali kahapon, Oktubre 1.

Bukod sa pagiging tagapagsalita ng UBJP, kasalukuyan ding nagsisilbi bilang Director General ng Bangsamoro Planning and Development at lisensyadong inhinyero si Ali.