Patay ang isang engineer matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Barangay Timbangan, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur kagabi, Miyerkules, Hulyo 17, 2025.
Kinilala ang biktima na si Engr. Syed Ariff Hasan Malang, na noon ay sakay ng kanyang pribadong sasakyan nang harangin at pagbabarilin ng mga armadong lalaki. Dead on the spot ang biktima dahil sa tama ng bala sa katawan.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang motibo sa krimen at makilala ang mga responsable sa naturang pananambang.
Hinimok naman ng pulisya ang publiko na makipagtulungan sa imbestigasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng anumang impormasyon na makatutulong sa kaso.