Naka-engkwentro ng tropa ng 8th Infantry (DEPENDABLE) Battalion ang mga miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTGs) sa Sitio Tacocon, Barangay Kasapa II, La Paz, Agusan del Sur.

Ayon sa ulat, nagresulta ang engkwentro sa pagkamatay ng isa sa mga kaaway at nakumpiska ang isang high-powered na baril. Kasalukuyang tinutukoy ang pagkakakilanlan ng napatay sa tulong ng mga dating rebelde, matapos maisagawa ang tamang proseso ng extraction at identification ng bangkay.