Inaprunahan na ng kumite sa kalikasan, natural na yaman at enerhiya ng Parliamento (Environment, Natural Resources, and Energy Committee) ang dalawang resolusyon na naglalayong maprotektahan at mapangalagaan ang Ligwasan Marsh at Lake Baranibud sa isang pagdinig noong Biyernes.
Sa panayam kay BTA MP Datu Tawakal Midtimbang na syang tagapamuno ng kumite, pinagtibay nila ang unang resolusyon ng panawagan kay CM Ahod Ebrahim na unahin ang programang Ligwasan Enclave Associative Development o LEAD.
Nais din nito ilunsad ang mga sosyo-ekonomikong mga proyekto na parehas environmentally sustainable at kapaki-pakinabang sa mga komunidad sa lokalidad.
Samantala, ang ikalawa namang resolusyon ay humihimok na sa mga kalihim ng Departamento sa Repormang Pangagraryo o DAR at ang Departamento sa Kalikasan at Likas na Yaman o DENR na paigtingin ang pagsusumikap para sa pangangalaga at konserbaston ng Lake Baranibud sa bayan ng Alamada sa lalawigan ng North Cotabato.