Naaresto ng mga awtoridad ang isang umano’y escort sa isinagawang anti-drug operation sa Purok Abedin, Mother Barangay Kalanganan, Cotabato City, kasabay ng paggunita sa Araw ng Kagitingan.
Kinilala ng Police Station 4 ang suspek na si alyas “Erap”, 29 taong gulang, may asawa, at residente ng naturang lugar.
Ayon sa imbestigasyon, nakumpiska mula kay Erap ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu matapos makipagtransaksyon sa isang police poseur buyer. Bukod dito, narekober din ang marked money na ginamit sa operasyon.
Dahil dito, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon sa mga otoridad, naging matagumpay ang operasyon sa tulong ng pakikipag-ugnayan ng barangay sa mga pulisya.