Dead on arrival sa isang ospital ang isang estudyante matapos na masangkot ito sa isang aksidente ng mga behikulo sa National Highway sa Binoligan sa lungsod ng Kidapawan.

Kinilala ang nasawing estudyante na si Jhaya Jane Banca, 20 anyos at residente ng bayan ng President Roxas sa North Cotabato.

Magkasunod na binabagtas ng isang pampasaherong tricycle at pampasahwrong multicab ang daan ng pagsapit nito sa pinangyarihan ng disgrasya ay biglang lumipat ng linya ang multicab.

Biglang sumalpok ang sasakyan sa likurang bahagi ng motorsiklo dahilan upang maging sanhi ito ng disgrasya.

Dumiretso at bumangga pa sa isang center island ang sasakyan na minamaneho ni Teodoro Banca saka ito tumilapon at napunta sa kasalungat na linya.

Dahil dito, sugatan ang tsuper ng tricycle na kinilalang si Saturnino Gornez Calago na taga Barangay Amas ng lungsod.

Nagtampo ng sugat sa katawan ang mga biktima kasama ang anim na lulan ng sasakyan habang mabilis na isinugod sa pinakamalapit na ospital ang estudyante na si Banca ngunit idineklara itong dead on arrival.