Nagluluksa ang pamilya at mga kaibigan ni Jhon Glenn Carpentero, 18 anyos na isang grade 12 student sa lungsod ng Kidapawan matapos na mamatay ito ng dahil lamang sa kuryente.

Kwento ng mga nakasaksi, naglalaro ng basketball ang bata kasama ang mga kasamahan nito at ibibigay na sana nito ang huling shot ng bola matapos na masagi at nahawakan ang live wire ng poste ng ilaw ng basketball court.

Nakuryente ang bata at ng isugod sa hospital ay pumanaw ito kinalaunan. Kinikilala si Jhon Glenn ng kanyang mga mahal sa buhay at kaibigan bilang talentadong bata dahil sa bukod sa paglalaro ng basketball, magaling din ito pintor o artist.