Isang estudyante ang sugatan matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Barangay Laguilayan, Isulan, Sultan Kudarat, sa harapang bahagi ng Barangay Plaza.
Kinilala ang biktima sa alyas na Jaymar, 20 taong gulang at residente ng Lungsod ng Tacurong.
Ayon sa ulat, sakay ng motorsiklo ang biktima nang lapitan siya ng riding-in-tandem at agad siyang pinaputukan. Sa kabila ng insidente, nagawa pa ring makatakas ng biktima gamit ang kanyang motorsiklo, ngunit tinamaan pa rin siya ng bala mula sa hindi pa matukoy na uri ng baril.
Patuloy na iniimbestigahan ng Isulan PNP ang insidente upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.