Tutol si Maguindanao Del Norte at BGC Governatorial Candidate Teng Mangudadatu sa paghahati ng bayan ng Datu Odin Sinsuat sa tatlong munisipalidad.

Ito ang tugon ni Mangudadatu sabay banat nito sa BTA Parliament na iligal ang ginagawa nito na mahati ang DOS sa tatlong munisipalidad.

Gayunpaman, kung matuloy ang nakaambang paghahati sa nasabing bayan, kampante ito na ito ay tututulan ng mamamayan ng DOS sa pamamagitan ng isang plebesito na magaganap pagkatapos ng halalan sa taong 2025.

Ani Mangudadatu, kung sakaling manalo man ito na gobernador ng lalawigan at balak nitong ipatayo ang Provincial Capitol sa Barangay Bitu dahil mayroon na daw siyang nakausap na nagdonate ng lupain na pagtatayuan ng kapitolyo.

Magtatayo rin aniya ito ng pampublikong ospital sa tabi mismo ng bagong kapitolyo upang matugunan ang pangangailangan sa kalusugan ng mga mamamayan sa probinsya at sa katabi nitong mga pamayanan.