Magsisimula sa Pebrero 19 ang bagong patakaran ng Facebook kung saan ang mga live video ay mananatili lamang sa platform sa loob ng 30 araw bago awtomatikong mabura.

Ayon sa Facebook, ang mga bagong live broadcast ay maaaring i-replay, i-download, o i-share mula sa isang Page o profile sa loob ng isang buwan. Pagkalipas ng panahong ito, awtomatikong mawawala ang mga ito mula sa platform.

Samantala, ang mga kasalukuyang live videos na lampas na sa 30 araw ay buburahin din.

Gayunman, bago ito tuluyang mawala, makatatanggap ang user ng abiso sa pamamagitan ng email at sa app mismo.

Pagkatapos ng abiso, bibigyan ang user ng 90 araw para i-download o ilipat ang kanilang content.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsunod ng Facebook sa industry standards at sa pagbabago ng viewing habits ng mga gumagamit ng kanilang platform.