Sa layong mas mapabuti, makatipid, at mapabilis ang pag-aangkat ng produktong pang-agrikultura ng mga mag-uuma sa bayan ng Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao del Norte, sisimulan na ang pag-aayos ng mga pangunahing kalsadahan sa bayan na kumokonekta sa merkado.

Pinasinayaan ni Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr., Maguindanao del Norte Governor Abdulrauf Macacua, Mayor Datu Marshal Sinsuat, Vice Mayor Raida Sinsuat, kasundaluhan, kapulisan, at mga local executives ng nasabing bayan ang ang formal turn-over ceremony.

Sasakop ng 1.2 na kilometrong kalsada ang proyekto na ani OPAPRU Secretary Galvez Jr. ay asahan na madadagdagan pa ng isang (1) kilometro.

Ang proyekto ay makakabenepisyo sa mga magsasaka, mangingisda, maging ang mag-uumang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF).