Si Chief Warrant Officer 3 Robert M. Marzan, 54, isang Filipino-American, tubong Catbalogan, Samar, ay kabilang sa anim na U.S. Army Reserve soldiers na nasawi sa kasalukuyang digmaan laban sa Iran.
Ayon sa Pentagon, nasawi si Marzan sa isang drone strike sa Kuwait nitong Marso 1, 2026 habang naka-assign sa 103rd Sustainment Command bilang bahagi ng Operation Epic Fury. Dalawang buwan na lamang sana bago siya makauwi mula sa kanyang huling deployment.
Si Marzan ay beterano ng militar na may mahigit 30 taong serbisyo, kilala sa kanyang dedikasyon at integridad sa tungkulin.

















