Gagawing higit pa ng wheelchair racer na si Jerrold Mangliwang ang kanyang tagumpay mula sa Asia Para Games noong nakaraang taon sa pagsabak niya sa kanyang (3) pangatlong paralympic games sa Paris, France sa darating na Agosto.

Pagkatapos ng isang produktibong dalawang medal na paghakot sa hangzhou kabilang ang isang ginto sa 400-meter T52 race ay umaasa siyang maireplicate ito sa pinakamalaking entablado ng parasports.

Patuloy na rin ang kanyang pagsasanay at pag stabilize ng kanyang momentum sa maaaring kaharapin sa kompetisyon.

Si mangliwan ay isa sa anim na Filipino Paralympics na nakatakdang makipag kompetensya sa Paris.

Ang iba pang paralympians ay sina swimmers Ernie Gawilan at Angel Otom, archery para athlete Agustina Bantiloc at taekwondo Jin Allain Ganapin

Sa ekslusibong panayam ng Star FM Bacolod kay Jerrold Mangliwan ibinahagi niya na thankful siya sa another opportunity na dumating sa kanya at sana maging fruitful ang kompetisyon

Magsisimula ang 2024 summer paralympics sa France sa Agosto 28