Mas mainam na gawin na lamang sa 2027 ang unang BPE o halalan sa BARMM.
Ito ang paniniwala ni MP at Deputy Speaker Atty. Lanang Ali Jr. ng matanong ito hinggil sa kanyang opinyon hinggil sa resetting ng naturang halalan mula sa susunod na taon patungong 2028.
Ayon sa opisyal, sapat na ang taong 2027 para maisagawa ang halalan at upang hindi sila maapura sa panahon ng pagpasa ng mga mahahalagang panukala at batas.
Gayunpaman, sinabi ni MP Ali na anumang panahon o petsa itakda ang halalan sa rehiyon ay handa ang kanilang kapulungan sa bagay na ito.
Makakaasa rin aniya ang mamamayan ng rehiyon na gagawa sila ng paraan upang maipasa ang mga batas at mahahalagang mga panukala kabilang na ang deletion ng pitong distrito na mula sa nauna na ring nabura na Probinsya ng Sulu.