Mariing ipinaliwanag ni COMELEC Chairman Atty. Erwin George Garcia na ang naipasang districting law ay hindi pasok sa 120-day rule bago ang halalan na itinakda ng korte suprema, na nangangahulugang ito ay lalabag sa umiiral na probisyon ng batas.
Ngunit idiniin nya sa panayam ng Star FM Cotabato na “Dapat mangyari ang halalan sa 2026 kahit ano pa man ang mangyayari.” Layunin aniya ng COMELEC na matuloy ang First Parliamentary Election sa BARMM ngayong taong 2026, at tiniyak na hindi ito ililipat sa 2027 o 2028.
Bagamat hindi pa ganap na nakumpirma ang eksaktong iskedyul, nakatutok ang COMELEC sa lahat ng kinakailangang hakbang upang maisakatuparan ang halalan.
Dagdag pa ni Garcia, matapos maipasa ang districting law, mas magiging malawak at planado ang voter education campaign. Kasama sa programa ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang grupo sa rehiyon upang mas mapalawak ang kaalaman ng mga botante at masiguro ang maayos na daloy ng eleksyon sa BARMM.

















