Lalaban muli sa pagkagubernadora sa ilalim ng UBJP ang dating beauty queen at kabiyak ni Former Governor Toto Mangudadatu na si Sharifa Akeel Mangudadatu.
Ito ay matapos na magsumite ng kandidatura ang nasabing beauty queen turned politician sa opisina ng COMELEC kahapon.
Sinamahan ito ng kanyang kabiyak at sa FB post nito, sinabi ni Sharifa na para sa kanyang mga kalalawigan na naghahangad ng mabuting pamumuno at biktima ng injustice ang kanyang laban sa pagkagubernador.
Makakalaban ni Mangudadatu ang incumbent governor na si Datu Pax Ali Mangudadatu.