Pormal na naghain ng kandidatura sa pagkaalkalde si Former Mayor Cynthia Guiani kasama pa ang tatlong konsehales nito na nasa pangkat ng Team Guiani kahapon araw ng Huwebes, Oktubre 3.

By representative inihain ni Guiani at ng mga konsehal nito ang kani-kanilang mga COC at itinalaga nito bilang sugo o representante si Atty. Jarissa Guiani.

Pormal namang inestima ni City Election Officer Atty. Norpaisa Manduyog ang kampo ng dating alkalde ng maghain ito ng COC kahapon.

Nauna nang nagsumite kamakalawa ang anim na kandidato sa pagkakonsehal ng Team Guiani na nakalinya sa partidong Nationalist Peoples Coalition o NPC