Muling nagtaas ng presyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.
Simula alas-6 ng umaga, ipinatupad ang dagdag na ₱0.60 sa kada litro ng gasolina.
Tinaasan din ng ₱0.95 ang presyo ng diesel, habang ₱0.30 naman ang itinaas sa kerosene.
Ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), sanhi pa rin ng taas-presyo ang patuloy na tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine, gayundin ang pangamba sa kakulangan ng suplay bunsod ng mga wildfire sa Canada.