Sumabog ang hindi pa matukoy na eksplosibo sa isang gasolinahan malapit sa mosque sa Brgy. Timbangan, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur, nitong Sabado ng umaga.

Ayon kay PROBAR Spokesperson Lt. Col. Jopy Ventura, pag-aari ito ng isang residente ng lugar.

Naganap ang insidente kasabay ng Taraweeh prayer, ngunit walang naiulat na nasaktan maliban sa nasirang calibrated machine ng gasolinahan.

Patuloy na iniimbestigahan ng kapulisan ang motibo sa likod ng pagsabog, habang sinusuri ang mga narekober na piraso ng shrapnel mula sa pampasabog.