Tinuldukan na sa pamamagitan ng isang dispute resolution ang rido sa pagitan ng dalawang nagbabanggaang grupo sa lalawigan ng Maguindanao del Sur.
Pinangunahan ng Peace Security and Reconciliation Office-OCM ng BARMM ang dispute resolution at reconciliation sa munisipyo ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur sa pagitan ng dalawang magkalabang grupo sa barangay Meta, Datu Unsay at Barangay Bialong, Shariff Aguak sa parehas na lalawigan.
Pinangunahan ni PSRO Executive Director Anwar Alamada katuwang ang lokal na pamahalaan ng dalawang bayan, pulisya at militar ang naturang pagkakasundo.
Isinagawa ang dispute resolution sa pagitan ng grupo nina kapitan Mohammad Upam at Ali Damensim ng Barangay Bialong sa Shariff Aguak at nina Hadji Nacio at Brahim Kaliong ng Barangay Meta sa Datu Unsay.
Ipinagpasalamat naman ng PSRO ang pagkakatuloy ng rido settlement. Dahil dito, aasahan na magsisimula na ang pangmatagalang kapayapaan at pagkakaunawaan sa pagitan ng mga nagbabanggaang panig.