Nakiisa ang mga tauhan ng Community City Affairs and Development Unit (CCADU) sa pangunguna ni PEMS Mary Jane B. Perez, Chief Clerk, sa pagdiriwang ng Global Handwashing Day na ginanap nitong Oktubre 15, 2025, ganap na alas-7:30 ng umaga sa Cotabato City.

Pinangunahan mismo ni Mayor Mohammad Ali “Bruce” C. Matabalao ang aktibidad, kasama si Vice Mayor Johair S. Madag at iba pang mga opisyal mula sa Local Government Unit (LGU), Ministry of Health, City Health Office, at Department of Education (DepEd).

Layunin ng naturang gawain na palaganapin ang tamang paraan ng paghuhugas ng kamay bilang isa sa mga pangunahing hakbang sa pagpigil sa pagkalat ng mga nakahahawang sakit. Isa rin itong paalala sa publiko sa kahalagahan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon bilang mabisang proteksyon laban sa iba’t ibang karamdaman.

Photo credits: Kutawato Pulisya