Nanguna ang Department of Agriculture 12 sa pagobserba ng isang linggong 17th Global Warming and Climate Change Consciousness Week na salig sa temang “Aksyon at Adaptasyon ng Makabagong Henerasyon”.

Tampok sa isang linggong paggunita ang mga masinsinang mga talakayan at aktibidad na pupukaw sa kaisipan ng mamamayan ukol sa paglaban sa climate change.

Namahala sa isang linggong aktibidad ang Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture Program o AMIA ng DA 12.

Ayon kay DA 12 Regional Technical Director for Operations Zaldy Boloron, ang naturang selebrasyon ay tututok sa pagsulong ng pagkakaisa sa paglaban sa nagbabagong klima at pangangalaga sa kalikasan at upang mabigyan din ng kaalaman ang mga komunidad sa pagggawa ng mga istratehiya para mapalakas ang paglaban sa climate change.