Humabol sa huling araw ng COC filing si Maguindanao del Norte Governor Sammy Gambar Macacua matapos ito na magpasyang tumakbo bilang District Representative ng ikatlong distrito.
Sakop ng ikatlong distrito ang mga bayan ng Talitay, Sultan Kudarat, Mother at ang Northern Kabuntalan. Nasa ilalim ng UBJP ang nasabing kandidatura ng gobernador.
Nang mausisa ito kung bakit di kasama sa 40 na nominado ng UBJP ang kanyang pangalan, sinabi nito na kanya nang inirerespeto ang pasya ng partido at hindi na pinalawig pa ang sagot nito.
Magugunita na noong mga nakakaraang buwan, inihayag ni Macacua na hindi na opsyon para sa kanya ang pagtakbo bilang gobernador ng Maguindanao del Norte.
Sang ayon din si Macacua na mapostpone ang halalang pang parliamento sa susunod na taon.