Agad na ipinagutos ni Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang malalimang pagsiyasat at ang pagtugis sa mga suspek na nasa likod ng pananambang sa isang indiyano sa bayan ng Datu Hoffer Ampatuan nitong nakaraang linggo.

Nagbigay naman ng pinansyal na tulong ang gobernadora sabay naman ng tahasang pagkundena nito sa insidente.

Kinilala ng kapulisan ang biktima na si Kamaljit Singh na mayroong negosyong pautang.

Minamaneho ni Singh ang kanyang sasakyan ng tambangan ito ng mga suspek na nakamotorsiklo sa national highway ng Barangay Labu-Labu 1.

Ang biktima na may tama ng baril sa kanyang siko ay nakapagmaneho pa sa isang checkpoint ng militar at doon na ito natulungan ng mga autoridad.