Muling binigyang diin ni North Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa naging Serbisyong Totoo Caravan sa Kidapawan City kahapon ang pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran at pagtatapos ng insurhensya o insurgency sa lalawigan.

Ayon kay Governor Mendoza, layunin at commitment na ng lokal na pamahalaang panlalawigan ang tuluyang pagwakas sa presensya ng mga rebeldeng komunistang New Peoples Army O NPA sa mga Bario sa lalawigan.

Dagdag pa ni Mendoza, klaro ang gobyerno para sa kaayusan ng komunidad kung kayat nagpayo ito sa mga residente na iparating ang kanilang mga pangangailangan upang matugunan ito ng pamahalaan ng mabilis at epektibo gayundin ang pakikiisa ng mga ito sa hakbangin ng pamahalaan upang mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran sa lugar o komunidad.