Iginigiit ni Sulu Governor Abdusakur Tan ang pagkakaroon ng malawakang plebesito sa buong BARMM Region sa naganap na Public Hearing ng kumite sa lokal na pamahalaan para sa panukalang pagaamyenda sa BOL o Bangsamoro Organic Law.

Ayon sa Gobernador, ang plebesito aniya sa buong rehiyon ay magbibigay ng daan sa aniya ay fresh o bagong mandato at masuri kung naging epektibo at maayos ang sistema ng Regional Government.

Nang matanong ukol sa pondo ng probinsya, sinabi nito na walang magiging problema dahil aniya, kahit maliit ang kanilang pondo ay tiyak naman na di sila pababayaan ng National Government.

Masaya na aniya ang probinsya sa kanilang sitwasyon sa kasalukuyan at may ilang probinsya na rin aniya ang nagpahayag ng kagustuhang kumalas sa BARMM at sa katunayan ay may dumaing na aniyang gobernador sa kanya ng di maisama sa pagkalas mula sa BARMM ang probinsya nito.

Ang itinutulak na muling pagsasagawa ng plebesito ay upang muling tanungin ang mga taga probinsya ng Sulu kung nais nilang ibalik o hindi na sa BARMM ang probinsya ng Sulu.

Kung maaalala, nagulat ang karamihan sa naging desisyon ng Korte Suprema noon sa pagbura ng Sulu sa BARMM Region at inulan din ito ng panawagan ng mga residente sa probinsya na sana ay maibalik sila sa rehiyon.