Ngayong araw, Huwebes, Oktubre 30, 2025, nakatakdang idaos sa Provincial Gymnasium sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte ang 100 Days Report of Accomplishments ni Governor Datu Tucao O. Mastura, CPA.

Sa naturang pagtitipon, ilalatag ng gobernador ang mga pangunahing programa, proyekto, at polisiya na isinagawa ng pamahalaang panlalawigan sa unang 100 araw ng kanyang panunungkulan.

Inaasahan ding dadaluhan ang aktibidad ng mga opisyal ng pamahalaan, lokal na lider, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor upang makakuha ng datos at sitwasyon hinggil sa kasalukuyang direksyon ng pamahalaang panlalawigan.

Ang 100-day report ay magsisilbing baseline ng performance ng lokal na pamahalaan na maaaring pagbatayan ng publiko sa pagsusuri ng mga susunod pang hakbang at programa ng lalawigan.