Muling pinaalala ng COMELEC na wala nang magaganap na substitution by withdrawal pagkatapos ng huling araw ng pagsusumite ng Certificate of Candidacy sa Oktubre 8 para sa May 2025 National, Local and Parliamentary Elections.

Ipinaliwanag ng poll body na tatanggap lamang ng komisyon ang substitution by withdrawal hanggang Oktubre 8 lamang. Ginawa ng komisyon ang hakbang upang matigil ang political circus ng mga kandidato na makaagaw ng atensyon o pagpapapansin.

Maari namang mapalitan ang mga namatay o nadiskwalipikang kandidato kahit matapos na ang deadline na Oktubre 8.