“Option to run as Governor is no longer considered.”

Ito na ang pinal na desisyon ni Maguindanao del Norte Governor Sammy Gambar Macacua matapos itong matanong kung uulit pa ba ito sa pagtakbo bilang gubernador sa susunod na taon.

Nito lamang nakaraan, nagkaroon ng pagpupulomg ang Nomination Commitee ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP sa pangunguna ni President Murad Ebrahim para pagusapan ang plano ni Macacua sa 2025.

‘Di na kinokonsidera ng gobernador na tumakbong muli sa halalan sa susunod na taon at ito ay pinal na.

Sa ngayon, ang opsyon na lang na natitira sa landas ng pulitika ni Macacua ay ang pagtakbo bilang District Representative o mabilang sa pagiging Party Nominees na ieendorso ng UBJP.

Nang matanong hinggil sa relasyon sa mga kapwa opisyales ng UBJP, ani Macacua ay nananatili silang matatag at walang problema di umano sa kanilang relasyon sa mahigit na apatnapung taon na kanilang pagsasama sa hirap at ginhawa.