Ikinagalak at natutuwa si Sulu Governor Abdusakur Tan sa inilabas na desisyon ng Kataas taasang Hukuman ng bansa na kung saan kinatigan ang petisyon ng Sulu na di mapabilang sa Bangsamoro Region.
Ayon kay Tan, di na sya umasa pa sa naging desisyon dahil nabinbin na ito may ilang taon na ang nakararaan kaya aniya sya napa OO sa panawagan ng kanyang mga kasamahan sa Bangsamoro Grand Coalition o BGC na tumakbo bilang Chief Minister ng rehiyon sa susunod na taon.
Dagdag pa ni Tan, mas mahalaga aniya sa kanya ang boses ng mga taga probinsya na lumabas sa plebesito noong 2019, kung saan ang mayorya nito ay di sumangayon sa BARMM.
Umaasa naman sa huli ang gobernador na mas magiging progresibo at maunlad pa rin ang Sulu kahit di na ito sakop ng Bangsamoro Government at ng rehiyon.