Isang 14-anyos na Grade 8 student ang nasugatan matapos siyang pagsasaksakin ng kanyang 18-anyos na nobyo na Grade 10 student matapos siyang tumangging makipaghiwalay sa Barangay Mabolo, Lungsod ng Cebu.
Ayon sa imbestigasyon, inaasahan ng Grade 10 student na may mangyayari sa kanila matapos ang kanilang exam.
Nagkita sila sa comfort room, ngunit nang tumanggi ang dalaga, bigla siyang sinaksak ng kanyang nobyo.
Sa kabila ng nangyari, naglakas-loob ang Grade 8 student na i-report ang insidente.
Agad namang inaresto ng pulisya ang Grade 10 student, na ngayon ay nasa kustodiya at haharap sa kaukulang kaso.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.