Binulabog ng granada ang harap ng bahay ni Barangay Kagawad Al-Jaynofin Akmad Sumdad ng Poblacion 4, Cotabato City, matapos itong hagisan ng hindi pa kilalang salarin pasado hatinggabi ng Sabado sa Tamse Road.‎‎

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, isang lalaking sakay ng motorsiklo ang tumigil at mabilis na inihagis ang granada bago tumakas.

Sa lakas ng pagsabog, nasira ang isang Toyota Hilux at isang Hyundai Accent na nakaparada sa tapat ng bahay ng opisyal.‎‎Mabilis na rumesponde ang City Explosive and Canine Unit at nakarekober ng mga pira-pirasong bahagi ng granada na isasailalim sa post-blast investigation.‎‎

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek at ang posibleng motibo sa likod ng naturang pag-atake.