Hindi binato o hinagis kundi natagpuan ang granadang natagpuan sa Cafè Mindanao sa lungsod noong Sabado. Ito ang kinumpirma sa isang panayam ni Cotabato City Police Director Col. Joel Estaris.

Base sa imbestigasyon ng kapulisan imposible na inihagis ang granada dahil nakakabit pa aniya ang isa sa mga safety pins nito.

Dagdag pa ng direktor, nagawa pa ngang hawakan ng dalawang indibidual ang natagpuang granada kaya’t nilinaw nito na ang nasabing insidente ay hindi grenade throwing kundi grenade found incident lamang.

Dahil din dito, hirap tukuyin ng kapulisan kung sino ang naglagay at paano nagkaroon ng granada sa lugar gayong walang CCTV camera sa labas ng establisyemento.

Paalala naman nito sa mga mamamayan na kung sakaling makakita ng mga kakaibang bagay o mga items lalo na kung pampasabog ay wag itong tangkaing galawin bagkus tumawag agad sa pulisya.